Thursday, January 3, 2013

KAP

Sandaling nawala ang project manager sa salu-salo para sa pagbubukas ng bagong bodega. Pinatawag daw siya ni Kap.
Pagbalik niya, inusisa ko kung sino si Kap at ano ang kailangan nito. Sa kakulitan ko'y napilitan siyang umamin na si Kap(tawag nila sa isang opisyal ng pamahalaang lokal) ay humihingi ng P20,000. Bukod pa ito sa naunang P100,000 na ibinigay niya para sa mga dokumentong pang-negosyo. Di ako makapaniwalang may ganitong kalakaran! Tinanong ko kung nairekord niya ang kanilang pag-uusap, o kung mayroon siyang ano mang ebidensya na maipapasa namin sa isang program sa telebisyon upang ito'y maimbistigahan, maibunyag at matigil. Walang pakunwari ang aking pagtatanong. Sino nga namang negosyante ang maglalakas-loob na kalabanin ang lokal na pamahalan at gugustuhing lalong maging mahirap ang pakikipagtransaksyon sa kanila?
Lahat ay nagrereklamo tungkol sa bulok na sistema pero kaunti lang ang nagsasalita. Humihingi ang publiko ng pagbabago pero walang gustong tumanggap ng responsibilidad para maituwid ang daan. Tahimik na pinanonood ang unti-unting pag anod sa ating moralidad. Lumabas tayo sa ating comfort zone at magsalita sa laban sa mga Kap. Marie Franco (mariefranco@yahoo.com)

Pagnilayan:
Madaling punahin at husgahan ang mga imoral na gawain. Kung tayo's nalagay sa ganoong situwasyon, magiging iba ba ang ating reaksyon?

Panginoon, bigyan Mo kami ng Lakas ng loob na magsalita't manindigan para sa Iyong ngalan. Liwanagin ang kaisipan ng mga taong ayaw sumunod sa Iyong mga Salita.

1 comments:

SarahG said...

Bayan Mo, IPATROL MO, TAYO NA
Sama-Sama sa pagbabago
I-Tweet ang larawan, video o mensahe
Gamitin ang #BMPMTTayoNa o @bayanmo

makikita dito sa http://bmpm.abs-cbnnews.com ang mga reports na
submit through twitter.

Post a Comment